Monday 8 November 2010

Footnote

February 4, 2008:


Kung minsan

kung minsan lamang kita makakasama, nais ko lamang iparating..
na ikaw ang nagmistulang bituin, sa gabing madilim.
kung minsan lamang kita makakausap, nais ko lamang ipaalam,
ako'y nangungulila sa bawat pamamaalam.

kung minsan ko lamang mahahawakan ang iyong mga kamay, nais ko lamang ipadama..
na narito lamang ako sa iyong tabi.
kung minsan ko lamang makikita ang iyong ngiti, nais ko lamang sabihin..
ako'y natutunaw sa nakabibighani mong pagngiti.

kung minsan lamang kita makakasama,
'di bale nang minsan lamang, basta mayroong minsan. 


November 4, 2010:

Kung minsan (nalang uli)

Kung minsan nalang uli kita makakasama, muli kong ipararating,
Ika’y mananatiling bituin sa gabing madilim.
At kung minsan na lamang kita makakausap, hayaan mong aking sabihin,
Tinig mo’y tamis sa mundong kay pait.

Ang iyong mga kamay, kahit daplis nalang ang paghawak,
Sana’y dama mong ako’y narito pa rin sa iyong tabi.
At ang iyong pagngiti, na sa aki’y nagdadala ng hikbi,
Ay mala-anghel na sa lungkot ko ay pumapawi.

Kung minsan nalang uli, sana'y minsa'y dumating parati.

Ngunit ngayong gabi, aking sasabihin:

Kung minsan nalang uli ang dati'y minsan na minimithi,
sana'y wala nalang muli kung 'di ka rin mananatili.

__________________________________________________________________

"It really sucks to be the footnote in someone else's love story." 
— Brooke Davis


No comments:

Post a Comment