Wednesday 7 December 2011

hindi ko na hahangaring makasama kang muli,
hindi ko kayang makita kang may dinaramang sakit.
habang ako'y nabibighani,
sa mga mata mong sawi.

Nakahihinayang lamang isipin.
Kung nabigyan tayo ng panahon
na magkakilala nang walang
dinadalang lungkot
sa tingin ko ay magiging masaya tayo.

hindi siguro ngayon,
marahil hindi na mangyari.
pero kung nagkataon,
ipinapangako ko,
hindi ka na luluha pang muli.